To view ENGLISH VERSION, please click here

Inilulunsad ng Filipinas Heritage Library, kasama ang Fundacion Santiago at Filipino Heritage Festival Inc., ang isang pambansang paligsahan at pagtatanghal ng mga larawan ng mga lumang gusali sa Pilipinas at ang estado ng mga ito sa kasalukuyan. Layunin ng paligsahan at pagtatanghal na ito na magbigay ng ukol na pagkilala sa pagkamalikhain ng Pilipino, at magpapaalala sa atin kung gaano na kalayo ang ating narating, at kung saan tayo patungo sa hinaharap.

Lumahok sa proyektong ito at maging bahagi ng ating lumalagong kalipunan ng kasaysayang pang-biswal.

PAANYAYA SA MGA NAIS LUMAHOK

Mga Panuntunan

Ang Filipinas Heritage Library ay may eksklusibong karapatan na magdiskwalipika ng mga kalahok na hindi makatutugon sa mga sumusunod na alituntunin:

  • Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng baguhang litratista na gumagamit ng tradisyunal na kamerang film-based o ng digital camera.
  • Ang mga nais lumahok ay maaring magsali ng hanggang dalawang (2) pares ng litrato na black-and-white o colored. Ilagay ang mga litrato, kasama ang nasagutang registration form, sa loob ng isang legal-sized na envelope. Ang registration form ay maaring mai- download o makuha sa www.filipinaslibrary.org.ph.
  • Ang itinakdang sukat ng bawat litrato ay 8x10 pulgada.
  • Ang isang entry ay binubuo ng isang pares ng litrato: isang kontemporaryong larawan at isang lumang larawan (na ang petsa ay hindi lalagpas sa 1950). Maaring kumuha o humingi ng pahintulot sa paggamit ng mga lumang larawan sa mga lokal na aklatan, institusyon, personal na kalipunan o koleksyon, o sa Retrato, ang artsibo ng mga larawan ng Filipinas Heritage Library.*
  • Ang mga kontemporaryong litrato ay dapat kinuha sa nakaraang dalawang (2) taon, at hindi pa nalalathala, naitanghal, o naipanalo sa kahit na anong paligsahan.
  • Ang mga entries ay maaaring ipadala sa mga sumusunod na tanggapan:
RehiyonTanggapanHuling araw ng pagpasa ng mga larawan
LuzonFilipino Heritage Festival, Inc.
Office of the Director
NCCA Secretariat
633 Gen. Luna Street, Intramuros
Manila
T: 527-2192 loc. 510
September 15, 2005
VisayasNegros Museum
Office of the DirectorGatuslao Street, Bacolod City
Negros Occidental
T: (034) 434-5552; (034) 433-4764;
(034) 431-9451
October 14, 2005
Mindanao Ateneo de Zamboanga University
Office of the President
La Purisima Street
7000 Zamboanga City
T: (062) 991-0871 loc. 1000
December 15, 2005

*Upang makakuha ng larawan mula sa Filipinas Heritage Library, ang mga interesadong kalahok ay maaaring bumisita sa aklatan, o mag-log on sa www.retrato.com.ph. Para sa mga karagdagang impormasyon, ipadala ang inyong mga katanungan o gumawa ng order sa retrato@filipinaslibrary.org.ph.

Pipiliin ang sampung natatanging entries mula sa bawat rehiyon, at ang mga ito ay magiging kalahok sa pambansang paligsahan. Ang pagpaparangal ng mga magwawagi ay gaganapin sa Mayo 2006. Ang mga nagwaging larawan ay itatanghal sa The Alcove Photo Gallery ng Filipinas Heritage Library.

Para sa karagdagagang detalye, maaaring makipag-ugnayan kay Grace Santos o Cecille Cruz ng Filipinas Heritage Library sa telepono bilang 892-1801, o magpadala ng e-mail sa events@fillib.org.ph . Maari ring mag-log on sa www.filipinaslibrary.org.ph.